Monday, January 02, 2012

Huli Kang Trust Issue Ka!

Yan ang hirap sa mga taong may TRUST ISSUES, may sarili silang version ng katotohanan.

So, bakit ka pa mag-e-explain 'di ba? Kung alam mo naman na kahit gaano mo sabihn ang totoo eh 'di rin naman sila maniniwala. Para kang tanga. Magsasabi ka ng totoo pero 'di ka naman pala pakikinggan. Pano eh masyado silang busy sa kanilang "web of truths". Kaya ikaw, matuto kang tanggapin na yung sayo eh "web of lies". Bongga! Gagamba ka na ngayon. And speaking of gagamba, kasing liit ng isang gagambang bahay ang mararamdaman mo kapag kinonfront ka na ng mga taong may trust issues. 'Yung tipong sila na lahat ang may karapatang magsalita at ikaw ang tanging karapatan mo lang ay tumahimik. You have the right to remain silent. Lawyer please!!

'Eto pa. Pag ang taong may trust issue eh magtatanong aba eh aakalain mong nsa NBI ka for questioning. Kaya kung ako sa'yo maghanap ka na ng abogado mo at wag na wag kang magsasalita dahil anything you say or do can and will be held against you in a court of law. Bang! Nosebleed sa Miranda Warning ang show mo. Kaya kung ako sa'yo, ito ang sasabihin ko; "I swear to tell the truth, the whole truth and nothing but the truth. So help me God." Ano daw????

Pagkatapos ng mahabang usapan eh kunyari tatahimik sila. (Take note, wag kang mag-interfere sa kanilang declamation speech dahil lalong mag-iinit ang mga ulo ng mga 'yun. Gusto mo World War 3?) So, syempre cue mo na yun magsalita kasi kung di ka magsasalita, ibig sabihin totoo ang sinabi nila at sila na ang tama. So ibig sabihin ikaw na ang mali at ikaw na ang salarin. Hala ka! Ipapapulis ka na nila! Pero ang nakakawindang eh kung magsasalita ka o mag-e-explain ka eh syempre ang dami mong sasabihin 'di ba? Kasi nga you'll go through even the smallest detail. (Ganyan kasi ang mga taong may trust issues, ultimo tinga mo sa ngipin nakikita nila) Kapag ginawa mo yun, they'll take it as guilty ka kasi you are being defensive. Wow lang ah? Ano ba talaga kuya? Ang gulo no? Tumahimik ka man o hindi ganung usapan rin ang lalabas. Ikaw pa rin ang may kasalanan! Hala sige time mo na to para sabihin ang mga katagang; "Wala po akong kasalanan. Maniwala po kayo mamang pulis!", "I did not kill anybody!" at "Inosente po akong tao! I am not guilty!" Pero sad to say, kahit magplead ka ng "not guilty" eh ang verdict mo eh "guilty as charged". I-li-Lethal injection ka na! Parang nasa China ka lang no?

Kaya para matahimik na ang mga kaluluwa ng mga taong may trust issues, isa lang ang dapat mong gawin. BE TRANSPARENT. Yung tipong lahat ng gagawin mo eh alam nila. Paghinga, pagdumi, pagligo, pagkain, pagpalit ng napkin (sa babae), pag-inom ng alak este tubig pala, pagkasama ang barkada, pagkasama ang pamilya, pag nagsimba, pag nagpunta ng mall, pag may katext na iba, pag may kausap na iba, pag nananaginip sa gabi, pag nahilik sa pagtulog at kung anu-ano pa. Wala kang magagawa. Kelangan mong gawin 'to lalo na kung MAHAL mo ang isang taong may trust issues. Patay! LOVE na. At kung ayaw mong bumangon sa pagkakahimlay ang kaluluwa ng kanilang mga pagdududa, wag ka magsisinungaling or else masasabihan ka talaga ng tumataginting na; "GO TO HELL!" este "Liars go to hell." pala. At higit sa lahat wag ka magpopost ng picture na akma mong iinumin ang baso ng beer habang 'di ka nakatingin! Dahil kahit nagkamali ka lang sa pagpulot ng baso dahil 'di ka nga nakatingin eh tandaan mo "A picture paints a thousand words." At sa susunod tignan mo ang baso na hawak mo! 'Wag ka masyado tsismosa madam! Tumingin-tingin ka naman.
Tsismosa ka kasi. Tsk!

♪♬Tumingin ka man sa akin♬♪ AY MALI PALA! ♬♪Lumayo ka man sa akin at ako'y iyong limutin masakit man sa damdamin pilit pa rin titiisin♪♬ Tagay pa mga 'pre!

I thank you. Bow.

No comments:

Post a Comment