Sa lubos mang sigla't kasiyahan.
Sa lugmok mang kapighatian.
Huwag hawiin ang lilim ng mga alapaap.
Hayaan mong ang bawat patak ay aking malasap.
At ang bawat hampas ng hangin,
Ay siyang udyok ng aking damdamin.
At ang bawat sigaw ng kidlat,
Ay siyang boses kong salat.
Sige, umulan ka.
At huwag na munang tumila.
Hayaan mong maging bingi ang aking mga tainga.
Hayaan mong maging manhid ang aking pagkalinga.
At sa agos ng tubig mo'y ako'y tumatalima.
Hanggang sa ang sukdula'y tanaw ko na.
Bahagharing kay ilap.
At araw na salukbong ang mga ulap.

No comments:
Post a Comment