Alam mo ba?
Mahal kita.
Naririnig mo ba?
Mahal kita.
Nararamdaman mo ba?
Mahal kita.
Makinig ka nga.
Mahal kita.
Hindi mo naman kailangan magsalita.
Mahal kita.
Hindi dahil sa kislap ng iyong mga mata.
Mahal kita.
Hindi dahil sa tamis ng iyong wika.
Mahal kita.
Anuman ang sabihin nila.
Mahal kita.
Kahit iniwan ka na niya.
Mahal kita.
Kahit tumingin ka man sa iba.
Mahal kita.
Kahit magmahal ka man ng iba.
Mahal kita.
Kaya ako na lang sana.
Kahit iniwan ka na niya.
Mahal kita.
Kahit tumingin ka man sa iba.
Mahal kita.
Kahit magmahal ka man ng iba.
Mahal kita.
Kaya ako na lang sana.
Mahal kita.
Kahit nasasaktan na.
Mahal kita.
Kahit nahihirapan pa.
Mahal kita.
Kahit saan man ako magpunta.
Mahal kita.
Kahit sino man ang aking makilala.
Mahal kita.
Kahit malayo ka pa.
Mahal kita.
Ngayon alam mo na.
Mahal kita.
Nawa'y maramdaman mo na.
Mahal kita.
Hanggang sa aking huling hininga.
Mahal kita.
Ang mga rason ay hindi na kailangan pa.
Mahal kita.
Basta mahal kita.