Kung sa tingin mo I'd go for the REBOUND, nagkakamali ka.
Kung sa tingin mo, isa ako sa mga RESERVE PLAYERS mo, maling-mali ka.
Dahil sa totoo, MASAYA na ako at hinding-hindi na kita pag-uukulan pa ng pansin.
Dati hinihiling ko na sana ako na lang, na sana akin ka na lang. Pero hindi ba't isang kahibangan ang maghangad ng isang bagay na alam mong hindi talaga mapapasayo? Naalala ko pa yung mga panahon kung kelan inuudyukan ako ng kung ano mang pwersa sa mundo upang gawin ang lahat para mapansin mo lang. Ginawa ko naman lahat pero siguro sadyang manhid ka lang o di kaya'y mas gusto mo lang talaga siya. Sa kahit anong paraan man, ako pa rin ang talunan. Gusto kong magalit, gusto kong maiingit pero may magagawa ba yun? Bagkus, itinago ko na lang ang lahat sa biro, tawa at ngiti kahit may parte sa aking buong pagkatao na nagsusumamong pakinggan at pansinin. Ngunit sadyang ganoon talaga ang buhay hindi ba? Minsan bigla mo na lang nakikita ang sarili mo na nakakulong sa isang tatsulok kung saan hindi mo man lang maaninag ang pag-asa. Siguro sa gulong ng palad, nasa ilalim ako pero hahayaan ko lang bang nasa ilalim na lang ako lagi? Aba sinuswerte ka naman ata. Natuto na ako. Hindi habambuhay eh aasa ako na balang araw eh mapansin mo din ako. Bakit kita pag-uukulan ng pansin gayong ni kakarampot na pagtingin para sa akin eh wala ka? Hindi ba't isang kahangalan naman iyon? Isang kalabisan sa bugso ng damdamin? Kung ihahalintulad ko ang sitwasyon natin nagyon sa isang laro, nakikinita kong Basketball ang naaangkop para sa ating dalawa. 'Yun nga lang ikaw sa Team A at ako'y kabilang sa kuponan ng kalaban.
At ito ang iyong pakakatandaan. Hindi ko kinukuha ang REBOUND. Para lamang iyon sa mga tangang patuloy pa ring umaasa. At mas lalong hindi ako isang RESERBANG manlalaro. Dahil para lamang iyon sa mga masokistang hangal.
Ako ang STAR PALYER. Ako ang MVP. Ako ang kumukontrol sa laro.
No comments:
Post a Comment